2 kelot sinita sa cara cruz, timbog sa P.4M tobats

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki ng Makati City matapos silang mahuli sa paglalaro ng cara y cruz.

Bumulaga pa sa mga parak ang nasamsam na P420,000 halaga ng shabu mula sa mga suspek na sina Gemy Batoy y Calingo, 26, at isang alias Nathaniel, 18 taong gulang.

Nauna dito ay nakatanggap ang mga tauhan ng Makati City police ng impormasyon na may mga nagsusugal sa Laperal Compound.

Nang dumating ang mga pulis, nakita nila ang mga lalaking naglalaro ng cara y cruz at nang magsagawa ng inspeksyon, nakumpiska sa mga suspek ang tatlong medium heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at iba pang kagamitan sa pagsusugal.

Iniharap na ng Poblacion police Substation ang dalawang suspek sa Station Investigation and Detective Management Section para sa kasong paglabag sa anti-illegal gambling at anti-illegal drugs law. James Catapusan



2 kelot sinita sa cara cruz, timbog sa P.4M tobats
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento