Salin: Lakbayan sa Mga Guro Program, inilunsad!

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Manila Water Company, Inc. sa pakikipagtulungan ng Department of Education-National Capital region ang “Salin: Lakbayan sa Mga Guro Program” sa opisina ng Manila Water sa Quezon City.

Sakto ito sa pagdiriwang ng World Water Day bukas, Marso 22.

Layon ng Salin na magsagawa ng mga workshop sa mga guro upang ipasa ang adbokasiya ng Manila Water sa sustainability at kahalagahan ng pagtitipid ng tubig.

Kabilang sa mga lumahok sa pagpirma ng Memorandum of Agreement para sa naturang programa ay sina Manila Water East Zone Chief Operating Officer Arnold Jether A. Mortera, Manila Water President and Chief Operating Officer Jocot A. De Dios, at DepEd-NCR Chief of Policy, Planning & Research Division Warren Ramos. RNT



Salin: Lakbayan sa Mga Guro Program, inilunsad!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento