8 eksperto mula US, tutulong sa Mindoro oil spill response

MANILA, Philippines – Walong eksperto mula sa Estados Unidos ang idineploy ng gobyerno ng Amerika upang tumulong sa oil spill response ng gobyerno sa Oriental Mindoro.

Ayon sa Embahada ng Amerika sa Pilipinas, ang US team ay dumating sa Pola, Oriental Mindoro ngayong Martes, Marso 21, isang araw pagkatapos ng briefing ng Philippine Coast Guard (PCG) at Japan Disaster Relief Expert Team ukol sa mitigation efforts na ginagawa nito mula sa lumubog na motor tanker.

Ayon sa US Embassy, ang tulong ay sa kahilingan na rin ng gobyerno ng Pilipinas.

Lima sa mga eksperto ay mula sa US Coast Guard National Strike Force at tutulong sa apektadong lugar upang matukoy ang pinaka-epektibong paraan at kagamitan upang mapigilan at linisin ang langis mula sa lumubog na sasakyang-dagat.

Habang ang dalawa ay mula sa US National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) na nakikipagtulungan sa Department of Environment and Natural Resources upang magsagawa ng mabilis na pagsusuri sa kapaligiran ng mga apektadong lugar, tukuyin ang mga prayoridad na lugar na may panganib sa pagkasira ng kapaligiran, at tasahin ang mga pangangailangan para sa pagpapanumbalik ng ecosystem.

Nagbigay din ang NOAA sa PCG ng satellite imagery para palakasin ang assessment efforts at ang University of the Philippines-Marine Sciences Institute na may suporta para sa siyentipikong pagmomolde upang matantya ang trajectory ng pagtagas.

Isa namang Navy Supervisor ng Salvage at Diving ang huling miyembro ng mga eksperto na susuri sa mga teknikal na parametro na kinakailangan upang suportahan ang posibleng deployment ng isang remotely operated vehicle sa apektadong lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden



8 eksperto mula US, tutulong sa Mindoro oil spill response
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento