Pumugot sa ulo ng lasing sa Bulacan, arestado sa Ilocos Norte

Bulacan – Arestado ng mga awtoridad ang binatang laborer na nagtago makaraang pagtatagain sa leeg hanggang sa mapatay ang lasing sa isang kubo sa lungsod ng Malolos kamakailan.

Kinilala ni Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ang akusadong si Larry Cantong Jr, tubong Bocaue, residente ng Brgy. Look 2nd at Top 1 Most Wanted Person in City Level.

Sa report ni Malolos Acting chief of police PLt. Col. Andrei Anthony Manglo, naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng mga awtoridad bandang alas-6 ng umaga nitong Marso 21 sa Batac City, Ilocos Norte.

Ang warrant of arrest sa kasong homicide ay inisyu ni Hon. Mylene Cabigao Albaytar- Avendaño, Presiding Judge ng Third Judicial Regional Trial Court, Branch 83, Malolos City noong Disyembre 20, 2022 at
may inirekomendang piyansang P120,000.

Nabatid na ang akusado na nagtago ng limang buwan ay makailang beses tumaga hanggang sa halos mapugot ang ulo ng kaalitang lasing na nagngangalang Jayson Mendiola noong Oktubre 7, 2022 sa Sitio Tabing Sapa, Brgy. Look 2nd.

Sinasabing patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang ama ng suspek na kasama nitong sumugod sa kubo at nang pagtatagain ang biktima.

Nasa kostudiya na ng Malolos City police station ang nasabing suspek na nagsisi na at umaasang mapatawad sana ng mga kaanak ng biktima. Dick Mirasol III



Pumugot sa ulo ng lasing sa Bulacan, arestado sa Ilocos Norte
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento