patuloy
Search and rescue ops para sa nawawalang Cessna plane, patuloy

MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Army (PA) nitong Sabado na nagtalaga ito ng tatlong search-and-rescue teams para tumulong sa paghahanap sa Cessna plane at mga pasahero nito na nawala sa lalawigan ng Isabela nitong linggo.
“Search and rescue teams of the 95th Infantry Battalion, 5th Infantry Division braved the inclement weather as they continue to search for the missing passengers of the ill-fated plane that crashed in the Sierra Madre mountains of Isabela on January 27, 2023,” pahayag ni Army spokesperson, Col. Xerxes Trinidad.
Hindi bababa sa tatlong search-and-rescue squads, na binubuo ng 33 personnel, ang itinalaga para tumulong sa Cagayan Valley Disaster Risk Reduction and Management Council sa tatlong barangay — Dicambangan at Sapinit sa bayan ng Divilacan, at Dibuluan sa San Mariano – para tumulong sa paghahanap sa nawawalang eroplano.
Nawala ang Cessna 206 single-engine plane, na may sakay na anim na katao kabilang ang piloto, matapos umalis sa Cauayan Airport sa Isabela nitong Lunes ng hapon.
Nakatakdang lumapag ang eroplano matapos ang tatlong minuto sa Maconacon Airport sa eastern seaboard ng lalawigan subalit nawala ito. RNT/SA
Search and rescue ops para sa nawawalang Cessna plane, patuloy
Source: Filipino Pinoys
patuloy
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Search and rescue ops para sa nawawalang Cessna plane
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento