Twitter account suspension, pwede nang iapela

MANILA, Philippines- Pwede nang iapela ng Twitter users ang account suspensions na susuriin sa ilalim ng  bagong criteria ng social media platform para sa reinstatement, simula Feb. 1, ayon sa kompanya nitong Biyernes.

Sa ilalim ng bagong criteria, kasunod ng pagbili ni  Elon Musk sa kompanya noong October, masususpinde lamang ang Twitter accounts para sa severe o ongoing at repeat violations ng mga polisiya ng plataporma.

Kabilang sa severe policy violations ang pakikilahok sa illegal content o activity, pagbabanta ng karahasan, at pagkakasangkot sa targeted harassment ng ibang users.

Sinabi ng Twitter na magpapataw ito ng “less severe action”, kumpara sa  account suspension, gaya ng paglimita sa reach ng tweets na labag sa mga polisiya nito o pagpapatanggal ng tweets sa user bago patuloy na magamit ang account.

Nitong Disyembre, sinita si Musk sa pagsuspinde ng accounts ng ilang mamamahayag dahil sa kontrobersiya sa paglathala ng public data ukol sa eroplano ng bilyonaryo. Binalik din niya kalaunan ang mga account. RNT/SA



Twitter account suspension, pwede nang iapela
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento