Tourist arrivals sa Baguio City ngayong taon, higit pa sa pre-pandemic levels

MANILA, Philippines- Lumampas na sa pre-pandemic levels ang bilang ng tourist arrivals sa Baguio City para sa taong ito, ayon sa opisyal nitong Miyerkules.

Sinabi ni Baguio tourism officer Alec Mapalo na umabot na sa 1.7 milyong turista ang dumagsa sa lungsod para sa taong ito, at hindi pa kasama ang sa buwan ng Nobyembre at Disyembre.

Mas mataas na ito kumpara sa 1.5 milyong turistang naitala noong 2019, bago tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa.

“This just shows na nalalampasan na natin at nakikita na natin ang talagang desire ng ating mga kababayan na makapasyal na,” ani Mapalo sa public briefing.

Subalit, kahit na marami pa rin ang bumibisita sa lungsod, sinabi ni Mapalo na bumabangon pa ito muka sa pagkalugi dahil sa dalawang taong lockdowns at restrictions dahil sa pandemya.

Sinabi niya na isa ang turismo sa major industries sa Baguio City kung saan kumikita ng P7 billion in gross receipts kada taon.

“Imagine natin na ‘yun ang nawala for two years. At this point, nasa recovery stage pa rin tayo. Hindi pa natin talagang fully na-recover ‘yung mga losses ng previous years,” ani Mapalo.

Subalit, inihayag ng Baguio official ang kumpiyansa na mapabibilis pa ang recovery sa siyudad, base sa current trends sa tourist arrivals at traffic sa shopping centers nito.

“Marami nang nagreport sa atin na mga establishments gaya ng hotels and even ‘yung mga malls na nakikita na nila ang kanilang record-high, not only arrivals of guests but also food traffic in our shopping centers compared to 2019 before the pandemic,” sabi niya.

“We are confident na ‘yung ating road to recovery at mapapabilis natin,” patuloy ni Mapalo. RNT/SA



Tourist arrivals sa Baguio City ngayong taon, higit pa sa pre-pandemic levels
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento