PANGGIGIPIT NGA BA O GIMIK LAMANG?
PANGGIGIPIT NGA BA O GIMIK LAMANG?

HINDI na bago sa pandinig ang mga taktika ng panggigipit, pananakot at iba pang uri ng panliligalig at panggugulo sa mga politikong tumatakbo, sa lokal man o sa pambansang posisyon, kahit saan.
Kahit sabihin pang walang kinalaman ang kanilang mga kalaban sa nangyayaring panggigipit, hindi malayong isipin ng marami, lalo na ng mga nakasaksi sa pangyayari o sa mga sumusuporta sa kandidatong nakaranas nito, na ang may kinalaman o utak sa nangyari ay ang kampo ng kalaban nila.
Likas kasi sa ugali ng mga Pinoy na kung sino ang nakararanas ng pang-aapi, doon napupunta ang kanilang simpatiya kaya sa halip na panghinaan ng loob ang politikong ginigipit, nagagamit pa niya bilang bentahe sa pagtakbo sa posisyon ang hindi magandang karanasan.
Kaya lang, hindi naman maiaalis na marami talagang politiko ang maruming maglaro sa larangan ng pulitika dahil posible rin na gawa-gawa lang nila ang kunwa’y panggigipit na nararanasan upang makuha ang simpatiya ng mga botante.
Kaya nga nang ibulgar ni Caloocan City 2nd District Congressman Egay Erice na nilusob daw ng mga naka-bonnet na itim na kalalakihang sakay ng isang van na walang plaka ang kanyang headquarters sa Brgy. Bagumbong, North Caloocan, marami ang nabahala.
Si Cong. Erice ay tatakbong alkalde ng Caloocan sa ilalim ng Aksiyon Demokratiko, kalaban ni 1st District Rep. Dale “Along” Malapitan na anak ni Mayor Oca Malapitan. Sa panayam kasi kay Erice nina Anthony Taberna at Gerry Baja sa programa nilang Dos-por-Dos sa DZRH, sinabi ng kongresista na mahigit 10-katao raw ang pumasok sa kanilang headquarters noong Linggo, Nobyembre 21, ng madaling araw at pinagkukuha ang kanilang mga tarpaulin.
Kaya sumulat na siya kina Mayor Oca Malapitan at Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina hinggil sa pangyayari, kalakip ang kuha ng nakakabit nilang CCTV sa lugar upang imbestigahan ang naganap.
Sinabi naman sa kanya ni Col. Mina, magsasagawa sila ng imbestigasyon upang matukoy kung sino ang mga naka-bonnet ng itim na kalalakihan.
Maaaring totoo ang nangyari kay Cong. Erice pero hindi lahat ng mga ganitong panggigipit ay gawa ng kanyang makakatunggali. Anong malay natin isang taga-suporta rin niya ang gumimik para magpalakas sa kanya?
PANGGIGIPIT NGA BA O GIMIK LAMANG?
Source: Filipino Pinoys
PANGGIGIPIT NGA BA O GIMIK LAMANG?
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento