PALUSOT NI CONG. MARCOLETA ‘DI UUBRA
PALUSOT NI CONG. MARCOLETA ‘DI UUBRA

SAAN kaya humuhugot ng tibay ng dibdib at kapal ng apog si House Deputy Speaker Rodante Marcoleta at nagawa pa nitong ipa-ere ang political advertisement sa ABS-CBN sa kabila nang pagkontra ng kongresista sa renewal ng prangkisa ng higanteng network noon?
Isipin n’yo naman na kabilang si Mang Rodante sa mga mambabatas na tsumugi sa operasyon ng TV network,’yun pala’y pipiliin din pala ito sa pag-ere ng kanyang papogi points upang makumbinsi ang taumbayan at iboto siya ngayong halalan.
Hindi naman kapani-paniwala ang palusot nito na kesyo wala itong kontrol kung saang network ipa-ere ng ad agency ang kanyang political ads bunsod sa batid ng sambayanan na may kontrata munang pipirmahan ang kongresistang nakalagay ang pangalan ng network bago ipalabas sa telebisyon.
Kahit siguro ordinaryong magtataho ay hindi bibilhin ang paliwanag ni Marcoleta hinggil sa kontrobersyang animo’y hindi alam ang pangalan ng putahe bago ito kainin.
Papatusin kaya ng sambayanan ang alibi ng kongresistang hindi personal ang pakikiisa niyang tuldukan ang pag-ere ng TV network samantalang batid ng lahat na ang utos mula sa itaas ang ugat ng pagsara ng tabing ng ABS-CBN?
Mauunawaan naman ng mga kasama nito sakaling sinuway man ni Mang Rodante ang utos dahil hayagang panunupil nga naman sa kalayaan ng pamamahayag ang pagtsugi sa network subalit lumutang na may kaakibat na suhol sa pamamagitan ng mga proyekto mula sa DPWH kung saan pinagkakakitaan ng mga mokong kaya labag man sa kalooban at sa interes ng manonood, ipinasara ang network.
Akala ni Marcoleta ay abswelto na ito sa kanyang kasalanan sa pamamagitan ng pag-ere ng political ads na ‘yang pinaniniwalaang kunswelo de bobo lang sa network samantalang hindi na mabubura sa kaisipan ng mamamayang naging bahagi ito sa pagtsugi sa network.
PALUSOT NI CONG. MARCOLETA ‘DI UUBRA
Source: Filipino Pinoys
PALUSOT NI CONG. MARCOLETA ‘DI UUBRA
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento