LENI, KAHIT PINAKAMALAKING  GUMASTOS SA ADS, TALO PA RIN KAY BBM

Kahit malakas na gumastos si Presidential aspirant VP Leni Robredo na umabot agad sa milyones sa adverisement sa Facebook Ads,  hindi pa rin niya mapantayan ang mga boto ni BBM sa mga “Kalye Survey” na lumalabas.

E kitang-kita kasi ng netizens sa Facebook Ad Library kung magkano na ang ‘itinatapong pera’ ng kampo ni Robredo para lamang makapagpa-ads sa FB.

Ang tanong, kaninong bulsa nanggaling ang political adds ni VP Leni?

Biruin ninyo, noong pang August 4, 2020 nang magsimulang gumastos ang kampo ni Leni gamit ang grupong ‘Dapat si Leni.’

Ibig sabihin nito, noong mga panahong ‘yon na panay ang tanggi ni Leni na wala siyang planong tumakbo sa pampanguluhan ay gumagastos na sila para sa anunsyo sa FB page.

Mantakin ninyo, mula August 4, 2020 hanggang November 7, 2021 O 15 buwan, gumastos na ang kampo ni Leni ng P167,668.

Pero magtataka ka na noong November 7-13, lumobo agad ang kanilang nagastos sa FB page sa P1.2 million.

Ibig sabihin, araw-araw na gumagastos sila ng P180,000.

Dito pa lang, mga kababayan, mahahalata ang pagiging gastadora ng lola n’yo (bulong..bzzz e hindi niya pera.)!

May hiwalay pang grupo ang gumagastos sa FB ads para lang sa adds ni Robredo.

Ito naman ang TEAM LENI ROBREDO na gumastos na ng P1,999.817 simula noong August 2020.

Medyo mababa nga lang ang kanilang ginastos sa nakalipas na pitong araw dahil umabot lamang sa P14,876.

Kumbaga, mas nagbuhos sila ng pondo sa ‘Dapat si Leni,’ kumpara sa ‘TEAM LENI ROBREDO.’

Kung pagsasama-samahin natin ang lahat ng ginastos sa FB ads ni Leni ngayon simula August 2020, umabot na agad sa P3.9 million.

Panahon ito na hindi pa pormal na nagsisimula ang kampanya para sa national candidates.

Hindi ito puwedeng itanggi ng kampo ni Leni dahil kitang-kita ito sa Facebook Ad Library.

(MAY KARUGTONG)



LENI, KAHIT PINAKAMALAKING  GUMASTOS SA ADS, TALO PA RIN KAY BBM
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento