Motorcycle rider, nabundol ng kotse, patay

MANILA, Philippines- Isang 37-anyos na rider ang namatay makaraang bumangga sa isang Volvo Wagon na kotse  habang tumatawid sa kalsada  Brgy Biga 1, Silang, Cavite.

Naisugod pa sa Silang Specialist Medical Center ang biktimang si Virgilio Bacatan Jr, helper ng Brgy. Biga 1, Silang, Cavite subalit binawian rin ng buhay dakong alas-6:32 ng gabi.

Kinilala naman ang driver ng Volvo Wagon  na may plakang UOW 842 na si Rodello Ramesh Francia Lucas.

Ayon sa report mula sa Silang Police Station, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng E. Aguinaldo Highway  sakop ng Brgy. Biga, Silang, Cavite habang sakay ng kanyang motorsiklong Honda TMX  patungo sa direksyon ng Tagaytay City habang  binabaybay naman ng driver ng Volvo Wagon ang service road ng AllHome  patungo sa direksiyon ng Aguinaldo highway.

Pagtawid umano ng driver ng kotse sa Aguinaldo highway nasagi nito ang  driver ng motorsiklo sa kaliwang bahagi na naging dahilan ng tinamong sugat sa katawan.

Isinugod sa ospital ang rider pero namatay ito habang nilalapatan ng lunas sa pagamutanginagamot. Margie Bautista



Motorcycle rider, nabundol ng kotse, patay
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento