14-anyos na babae sawi sa demolisyon sa Antipolo
14-anyos na babae sawi sa demolisyon sa Antipolo

MANILA, Philippines- Patay ang 14-anyos na babae sa takot nang atakihin ito sa puso habang ginigiba ng demolition team at mga armadong tauhan ng Rizal PNP ang mga tahanan kamakalawa sa Antipolo City.
Kinilala ang nasawi na si Mica Antoinette Ferrer, 14-anyos nakatira sa V. V. Soliven, Open Space, Brgy., Mayamot Antipolo City.
Dakong alas-3 ng hapon nitong Biyernes, nang wasakin ng demolition team ang bahay ng 100 pamilya kasama ang mga armadong pulis at assault team, maging si Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay.
Ayon sa pamilya hindi nakayanan ng bata ang takot sa mga mahahabang baril at umano’y durobong mga demolation team habang winawasak ang kanilang tahanan.
Hiniling din ng pamilya ang presensiya ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa katarungan ng namatay na bata dahil sa takot.
Samantala tila pinabayaan naman ng Antipolo City Government ang 100 pamilya na sa semento na lamang ng covered court sa lugar kasama ang kani-kanilang anak sa kawalan ng relocation.
Nakaburol ngayon ang 14-anyos na bata sa giba nilang bahay sa lugar. Rene Tubongbanua
14-anyos na babae sawi sa demolisyon sa Antipolo
Source: Filipino Pinoys
14-anyos na babae sawi sa demolisyon sa Antipolo
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento