Implementasyon ng reso suspendido; dayuhan galing non-visa countries haharangin
Implementasyon ng reso suspendido; dayuhan galing non-visa countries haharangin

MANILA, Philippines- Pansamantalang sinuspinde ng Pilipinas ang implementasyon ng isang resolusyon na pumapayag na papasukin ang fully vaccinated na mga dayuhan na may visa-free privileges sanhi ng Omicron variant ng coronavirus disease (COVID-19), base sa Malakanyang nitong Lunes.
Sa isang virtual briefing, inanunsyo ni presidential spokesperson Karlo Alexei Nograles ang suspensyon ng implementasyon ng Resolution 150-A na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases’ (IATF-EID).
Nakasaad sa resolusyon na maaaring pumasok sa Pilipinas ang fully vaccinated nationals ng non-visa-required countries na nakalagay sa Green List countries, jurisdictions, and territories na sapat ay epektibo simula Disyembre 1.
“We are temporarily suspending it po, abangan na lang natin. Kami rin sa IATF, we continue to consult with our health experts, we continue to actively monitor developments with regard to the Omicron variant,” pahayag ni Nograles.
Batay sa napagkasunduan ng IATF, sinabi ni Nograles na ilalagay ang mga teritoryo sa Red List o pinagabbawalang makapasok sa bansa sakaling may maiulat na kaso ng local transmission ng Omicron variant.
Ipinaliwanag din niya na maaaring manatili sa green o yellow list ang ilang bansa na may naiulat na kaso ng Omicron, kung hindi ito locally transmitted.
“We will take it one step at a time, day to day monitoring ng [of] any and all developments happening around the world,” aniya. RNT/SA
Implementasyon ng reso suspendido; dayuhan galing non-visa countries haharangin
Source: Filipino Pinoys
Implementasyon ng reso suspendido; dayuhan galing non-visa countries haharangin
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento