Public appointment kailangan sa pagkuha ng passport, apostille services- DFA

MANILA, Philippines- Ipinaalala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko nitong Martes na sa lahat ng consular offices nito, kabilang na ang temporary off-site passport service facilities, mahigpit na inoobliga ang pagkakaroon ng appointment para sa passport o apostille services.

Sa isang abiso ng DFA, sinabi nito na kailangan pa rin ang appointment kahit sa mga pumipila sa courtesy lane.

“The appointment requirement has been in effect since May 2020 as part of the DFA’s eforts to provide continuous services in the time of the COVID-19 pandemic,” giit nito.

Ito ang naging anunsyo ng DFA matapos kumalat sa social media kamakailan ang isang lumang abiso na nagsasabing hindi kailangan ng appointment para sa mga overseas Filipino workers na nais mag-renew ng kanilang passport.

“This is an old advisory issued in 2016, before the pandemic, and is no longer applicable,” paliwanag ng ahensya.

“Walk-ins are no longer allowed in DFA CO NCR Central and in all DFA COs and TOPS facilities, in view of the current health emergency arising from the COVID-19 pandemic,” dagdag pa nito.

Gayundin, hinikayat ng DFA ang lahat ng aktibong OFWs na kumuha ng appointment sa https://ift.tt/ECYmLV6 at piliin ang DFA NCR Central (Robinsons Galleria – Active OFW Lane) site.

Inudyukan din nito ang publiko na sa opisyal na website at social media accounts ng DFA lamang magtungo para sa mga bagong anunsyo. RNT/SA



Public appointment kailangan sa pagkuha ng passport, apostille services- DFA
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento