Philippines news
Recycling ng mga face shield tiniyak ng DENR

MANILA, Philippines- Ngayong opsiyonal na lamang ang paggamit ng face shield tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na iko-convert ito para i-recycle gawing construction materials.
Ito ang sinabi ni DENR Undersecretary for Solid Waste Management (SWM) and Local Government Units Concerns Benny D. Antiporda at nanawagan na ‘wag basta itatapon ang mga face shield ngayong opsiyonal na lamang ang paggamit nito.
Sa virtual press conference, sinabi ni Antiporda na walang dapat ikaalarma dahil kasabay nito, unti-unti nang bumababa ang mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
“Maaari pa ring gamitin ang face shield sa mga susunod panahon,” ayon kay Antiporda.
Sinabi pa ni Antiporda na ngayong opsiyonal na ang paggamit ng face shield kinakailangan ang recycling strategy ng waste management para sa pagtatapon ng face shield.
“Recycling strategy of the waste management for the disposing face shield,” ani Antiporda.
Samantala, kaugnay nito ay sinabi naman ni Crispian Lao vice-chair ng National Solid Waste Management Commission na kung maaaring itago ang face shield.
Ayon pa kay Lao maaari ring gamitin ang mga face shield bilang construction materials at maaaring i-recycle din ang mga ito.
“We can recycle the face shield and it can turn construction materials,” sabi niya.
Kaugnay nito nanawagan ang DENR na ngayong opsiyonal na ang paggamit ng face shield hindi dapat ito itapon kung saan-saan na maaaring makadagdag sa problema ng basura. Santi Celario
Recycling ng mga face shield tiniyak ng DENR
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Recycling ng mga face shield tiniyak ng DENR
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento