6 kulong
Pekeng vax card naglipana sa Recto, 6 kulong

MANILA, Philippines – Kulong ang anim na indibidwal dahil sa pamemeke ng vaccination card matapos kumagat sa ikinasang entrapment operation ng awtoridad sa isang shop sa Recto Avenue.
“Medyo naniniguro sila kasi yung mga runner nila na nakuha natin is almost five bago pa natin nakuha yung mismong may ari,” ani P/Lt. Col. Jay Dimaandal, chief ng District Special Operation Unit – Northern Police District (DSOU-NPD).
Nasamsam sa mga suspek ang pekeng dokumento kabilang na ang vaccination cards at RT PCR test results.
“Yung isang employer na umano pinag aaplayan ng taong ito pinapa-validate yung authenticity nung vaccination card through social media nagkaroon ng transaksyon at kahapon ginawa yung entrapment operation,” ani Police Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., district director ng NPD.
Itinanggi naman ng mga naarestong suspek ang alegasyon at sinabing hindi nila alam na mayroong mga pekeng dokumento sa lugar.
“Hindi po namin alam na may pagawaan po pala dyan,” anang isang suspek. RNT
Pekeng vax card naglipana sa Recto, 6 kulong
Source: Filipino Pinoys
6 kulong
Pekeng vax card naglipana sa Recto
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento