‘Best’ dev’t projects ng NTF-ELCAC pinuri ni Digong
‘Best’ dev’t projects ng NTF-ELCAC pinuri ni Digong

MANILA, Philippines – Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa inisyatibang paunlarin ang mga tinatawag na insurgency-cleared areas sa bansa.
Ang papuring ito ng Pangulo sa NTF-ELCAC ay pagkadismaya naman sa naging desisyon kamakailan ng Senate Committee on Finance na tapyasan ang panukalang 2022 pondo ng NTF-ELCAC dahil mula P28.12 bilyong piso ay P4 bilyong piso na lamang ito ngayon.
Sa idinaos na NTF-ELCAC’s joint meeting kasama ang ELCAC’s regional task force (RTF) sa Calapan City, Oriental Mindoro, pinuri ng Chief Executjve ang anti-insurgency task force para sa development projects nito sa mga lugar na hindi na pinamumugaran ng Communist Party of the Philippines’ (CPP) armed wing, New People’s Army (NPA).
“Itong ELCAC, pinakamahusay na sanang program to date na binigay natin sa kanila . “Eh ‘yung budget nilang P28 billion, ginawa na lang P4 billion ng mga senador. Yun sana is to give every barangay P20 milyong piso,” ayon sa Pangulo.
Tinukoy ng Pangulo ang Barangay Development Program (BDP) ng NTF- ELCAC na naglalayong paunlarin ang mga dating conflict-prone communities.
Ang BDP ay package ng socio-economic development programs na kinabibilangan ng farm-to-market roads, livelihood, irrigation, at health stations.
May kabuuang 1,406 insurgency-cleared villages nationwide ang inaadahan na makikinabang mula sa BDP sa taong 2022.
Nakatakda namang makatanggap ang mga ito ng P20 millyon kada isa para pondohan ang kanilang anti-insurgency projects.
Kaya nga labis na nagpapasalamat ang Pangulo sa NTF-ELCAC at RTF-ELCAC para sa kanilang commitment na tuldukan na ang insurgency problems sa bansa.
Umaasa rin ang Pangulo na patuloy na tutulungan ng local chief executives at community leaders ang kanyang administrasyon sa paglaban sa komunismo.
“To our local chief executives and community leaders who play a crucial role not only in addressing insurgency but also fighting crime and the illegal drugs in your respective localities, your cooperation will likewise advance the government’s goal of securing and safeguarding the nation,”ayon sa Chief Executive.
Binatikos naman ng Pangulo ang mga komunista sa walang habas na pagpatay ng nga ito ng mga inosenteng sibilyan at tropa ng gobyerno.
“So, diyan din ako galit ako sa mga komunista. Talagang galit ako hanggang ngayon,” aniya pa rin.
Ang CPP-NPA ay kasama sa listahan ng terror organization ng Pilipinas, Estados Unidos, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, at New Zealand. Kris Jose
‘Best’ dev’t projects ng NTF-ELCAC pinuri ni Digong
Source: Filipino Pinoys
‘Best’ dev’t projects ng NTF-ELCAC pinuri ni Digong
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento