P10K AYUDA NAKAHANAP NG KAKAMPI SA SENADO

Tuloy-tuloy pa rin ang buhos ng P10K ayuda sa mga indibidwal mula sa iba’t ibang seKtor ng lipunan na pilit na bumabangon mula sa pagkagupo dahil sa COVID-19.

Umaabot na sa 13,531 ang nakatanggap ng P10K ayuda mula sa Sampung Libong Pag-asa Program na inilunsad ni dating Speaker Alan Peter Cayetano at ng kanyang mga kaalyadong kongresista na BTS o Balik sa Tamang Serbisyo sa Kongreso.

Maraming lugar na sa Pilipinas ang narating ng P10K ayuda mula ng pasimulan ito noong nakaraang May 2021 kabilang na dito ang mga lalawigan sa Northern Luzon, Cordillera, Central Luzon, National Capital Region, Calabarzon, Kabiculan, Panay Island, Samar at Leyte, Cebu, at mga lugar sa Mindanao gaya ng Davao, Zamboanga, General Santos, Cagayan De Oro at marami pang iba.

Bukod kasi sa pagtulong ng Local Government Unit sa pagpili ng benepisyaryong talagang nangangailangan sa kanilang lugar, pumipili rin ng mga maswerteng benepisyaryo si Cayetano mula sa libo-libong netizens na nagkokomento sa kanyang FB account habang umiere ang Sampung Libong Pag-asa sa FB live.

Samu’t sari na rin ang mga benepisyaryo ng Sampung Libong Pag-asa kabilang na ang mga OFW’s, senior citizens, mga nawalan ng trabaho at hanapbuhay, mga kasambahay, guro, mga ambulant vendors, at mga BHW’s. Kasama din sa mga benepisyaryo ang maraming displaced tourism workers, mananahi, indigents, mga tsuper, waiters, mga promodisers, maging mga entertainers at mga komedyante at marami pang iba.

Inihain noong Pebrero sa Kamara nina Cayetano ang P10K Ayuda Bill para makabangon ang mga nabiktima ng COVID-19 ngunit hindi ito binigyan ng importansya nang talakayin ng Kamara ang Bayanihan 3. Pero hindi tumitigil ang dating Speaker sa kanyang layunin, bagkus gumawa siya ng paraan at nangalap ng donasyon para mabigyan ng P10K ayuda ang libo-libo nating kababayan.

Paulit-ulit na sinasabi ni Cayetano na sa P500B na dagdag sa 2022 national budget, P200B dito ay sapat na para mabigyan ng P10K ayuda ang lahat ng mga Pilipino. Alam naman natin na mahaba-habang istorya pa ang ating bubunuin upang makabawi at makabangon sa epekto ng COVID-19.

Sa ngayon, fluctuating ang itinatakbo ng COVID-19 cases di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Kaya, hindi nasisiguro ang tuluyang pagbubukas ng ekonomiya dahil hindi pa tapos ang banta ng COVID-19 sa buong mundo.

Kaya naman maituturing na sinag ng pag-asa para kay Cayetano ang pangako ni Sen. Joel Villanueva na isusulong sa Senado ang P10K Ayuda Bill bilang suporta sa Sampung Libong Pag-asa Program ng dating Speaker. Ibig sabihin, nakakuha na ng suporta ang P10K Ayuda mula sa ibang mambabatas dahil napatunayang epektibo ang naturang stimulus program sa mga pinahirapan ng COVID-19.###



P10K AYUDA NAKAHANAP NG KAKAMPI SA SENADO
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento