19-anyos na ‘maingay’ pinatahimik ng parak

MANILA, Philippines – Patay ang isang 19-anyos na binate matapos barilin ng isang pulis matapos na maingayan umano ito, sa Bacolor, Pampanga noong Sabado, Nobyembre 20.

Kinilala ng awtoridad ang biktimang si Abelardo Vasquez Jr. na nagtamo ng bala sa dibdib at leeg.

Sa kwento ng pinsan ng biktima, na sila ay nagkukwentuhan sa labas ng kanilang bahay nang sitahin ng suspek na kinilalang si Police Corporal Alvin Pastorin matapos na maingayan sa mga ito.

Kinumpronta ng pulis ang tiyuhin ng biktima at nagkaroon ng komosyon at tulakan.

Hinabol umano ng biktima ang pulis at doon na raw biglang nagpaputok ng warning shot ang pulis. Sinundan daw ito ng tatlo pang putok hanggang sa masawi ang biktima.

Sa ulat ng pulisya, nanita ang pulis sa magpinsan na nasa labas nang walang face mask at damit pang-itaas.

Nagkaroon umano ng pagtatalo ang grupo hanggang sa umalis na lang ang pulis at nagtungo sa kanyang sasakyan.

Sa ulat ng pulisya, pinagbabato ng grupo ng biktima ang sasakyan ni Pastorin na nagamba umano sa kanyang buhay kaya naman nagpaputok ng baril kung saan natamaan ang biktima.

Nasa kostudiya na ng Bacolor Police ang suspek na hindi pa naglalabas ng pahayag. RNT



19-anyos na ‘maingay’ pinatahimik ng parak
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento