Supply vessel nasa Ayungin Shoal na

MANILA, Philippines – Sa wakas ay nakarating na rin ang Philippine supply vessels sa tropa ng mga Filipino na nakatalaga sa Ayungin Shoal (Second Thomas Shoal) sa West Philippine Sea.

Inanunsyo ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang bagay na ito isang linggo matapos na harangin ng Chinese coastguard at paulanan ng water cannon ang Philippine supply vessel na papunta sa Ayungin Shoal, nasa loob ng exclusive economic zone (EZZ) ng Pilipinas.

“Dumating na ang resupply boats sa Ayungin Shoal at nakarating na ang supply sa BRP Sierra Madre ngayong tanghali,” ayon kay Nograles.

Sinabi naman ni Armed Forces Western Command chief Vice Admiral Ramil Roberto Enriquez na ang “resupply boats safely arrived BRP Sierra Madre at 11AM. No untoward incident.”

Nauna rito, kinondena kahapon, Nobyembe 22 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang aksyon ng mga barko ng China na umatake sa Philippine vessels na patungo sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea anim na araw na ang nakalilipas, at sinabing nakasusuklam ang gawaing ito.

“We abhor the recent event in the Ayungin Shoal and view with grave concern other similar developments,” ani Pangulong Duterte.

“This does not speak well of the relations between our nations and our partnership,” dagdag pa niya sa ASEAN-China special summit.

Pinaalalahanan din ng Pangulo ang China na kailangang ayusin ang paghahabol nila sa South China Sea sa ilalim ng batas at kailangan umanong magkontrol ng stakeholders, iwasan ang tensyon at magtulungan tungo sa mapayapang resolusyon ng hindi pagkakaunawaan alinsunod sa international law.

Sa ilalim ng UNCLOS, itinuturing na exclusive economic zone (EEZ) ng isang bansa ang isang teritoryo na saklaw hanggang 200 nautical miles.

Gayundin, sinabi ni Duterte sa China na umaasa ito sa konklusyon ng isang epektibo at matibay na Code of Conduct sa South China Sea. Kris Jose



Supply vessel nasa Ayungin Shoal na
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento