Philippines news
SUSPENSYON NI BALUD MAYOR RJ LIM HINDI FINAL AND EXECUTORY

DALAWA lang ang nakikitang dahilan ng mga kababayan ko sa Masbate kung bakit atat na atat ang Bise-Mayor ng bayang ito na si Atty. Felimon Abelita III na umupo sa trono ni Mayor RJ Lim matapos ipalabas ng Kapitolyo noong Nobyembre 5, 2021 ang apat na buwang suspensyon nitong nag-ugat sa kasong administratibong isinampa ng sinuspindeng empleyadong si Randy Albay.
Bunsod ito sa pagbayad ng kanyang anak na si Angelika ng P1,500 sa antigen test na may kaukulang resibo naman, nang umuwi ito noong nakaraang taon mula sa Metro Manila.
Una, hindi kaya kinakalawang na ang utak ng dati kong idolong de-kampanilyang abogadong pilit na iniluluklok ang sarili bilang mayor gayong klarado naman ang nakasaad sa batas na hindi pwedeng ipatupad ang suspensyon habang inaapela pa ito ni Mayor RJ sa Office of the President?
Batay sa DILG Administrative Order #22 section 9 series of 2011, “Evidently, the execution of the decision/resolution/order issued by the Sanggunian Panlalawigan on appeal to the Office of the President is stayed upon the filing of the Notice of Appeal within the prescribed period”.
Nakasaad din sa naturang kalatas na binibigyan ng 15 araw ang akusadong opisyal na maghain ng kanyang Motion for Reconsideration sa Sanggunian at 30 araw para iapela ito sa Office of the President.
Pangalawa, o baka naman kabisado nga ni Vice-Mayor Abelita ang nasabing panuntunan subalit wala siyang magawa sa dikta ng balimbing at hayok sa poder na umaastang mga adviser nitong halatang kwarta ng munisipyo lang ang puntirya?
Sa madali’t sabi, marapat lang na hintayin muna ng kampo ni Abelita ang itinakdang panahon ng pag-aapela ni Mayor RJ dahil matutuldukan lang ang isyung ‘yan sakaling bumaba na ang kautusan ng Malakanyang ukol dito.
Batas mismo ang nagsasabing nananatiling mayor ng Balud si RJ Lim habang walang inilalabas na utos si Pangulong Duterte na bumaba ito sa puwesto kung saan final and executory na ang suspensyong ‘yan.
SUSPENSYON NI BALUD MAYOR RJ LIM HINDI FINAL AND EXECUTORY
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
SUSPENSYON NI BALUD MAYOR RJ LIM HINDI FINAL AND EXECUTORY
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento