Derek
Derek, Ellen kasal na!

Manila, Philippines – Road to forever na talaga ‘to!
Nagpalitan na ng ‘I do’ sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ngayong November 11, sa Rancho Bernardo Resort, Bataan.
Talaga namang nabulaga ang social media world dahil sa stunning wedding pictures ng newly wed na nagkalat ngayon kung saan makikitang perfectly fit kay Ellen ang kanyang strapless white gown habang naka-gray suit naman si Derek.
Present sa wedding ang anak ni Adarna at ang anak ni Derek na nitong nakalipas lang ay may pa-family picture.
Ilan sa mga dumalo na visible sa wedding pics ay ang celebrity doctors na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho kasama ang kanilang anak na si Scarlet Snow.
Naku. Bashers no more dahil finally, kasal na sina Derek at Ellen na naging maingay ang relasyon nang aminin nila ito noong February at ma-engage ng March.
Babaha na naman ng ‘sana all’ sa social media! Panalo naman kasi ang caption ng latest update ni Ramsay sa kanyang Instagram account, “Cheers to my beautiful future. I love you, my dear wife! @maria.elena.adarna” Paula Jonabelle Ignacio
Derek, Ellen kasal na!
Source: Filipino Pinoys
Derek
Ellen kasal na!
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento