Marawi City nagsagawa ng survey activity bilang paghahanda sa CARP
Marawi City nagsagawa ng survey activity bilang paghahanda sa CARP

MANILA, Philippines- Upang matukoy ang lupang pag-aari ng gobyerno na maaaring ilaan para sa agrikultura at ipamahagi sa mga kwalipikadong agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa ilalim ng CARP nagtulong-tulong ang lokal na pamahalaan sa Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang magsagawa ng survey activities para sa paghahanda upang isailalim ang Camp Amai Pakpak sa Lanao del Sur sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) alinsunod sa Executive Order No. 75, serye ng 2019.
Sa press release ayon sa Department of Agrarian Reform (DAR) ang EO 75 ay nag-aatas sa lahat ng mga ahensya ng pamahalaan na tukuyin ang mga lupain na pag-aari ng pamahalaan na maaaring ilaan o angkop para sa agrikultura upang maipamahagi sa mga kwalipikadong agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa ilalim ng CARP.
Dahil dito, ang Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE) – Land Management Services (LMS) sa ilalim ng BARMM, ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa Northern Mindanao, at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa SOCCSKSARGEN ay nagsagawa ng pagpupulong upang maumpisahan ang mga kinakailangang mga proseso upang masakop ang mga natukoy na government-owned lands (GOLs) sa ilalim ng CARP.
Kaugnay nito sinabi ni DAR Northern Mindanao Regional Director Zoraida Macadindang na natukoy ng grupo ang ang 6,667-ektaryang nakatiwangwang na GOLs sa Camp Amai Pakpak sa Marawi City, Saguiaran, Piagapo, at Marantao, bilang maaaring masakop sa ilalim ng CARP.
Ayon pa sa DAR ang mga nasabing lugar ay kinabibilangan ng Mindanao State University, National Power Corporation, at Provincial Capitol ng Provincial Government ng Lanao del Sur.
“Ang bahaging ito ay pinangangasiwaan ng Department of National Defense (DND), na nakalaan para sa mga layuning militar gaya ng itinakda sa Presidential Proclamation No. 453 s. 1953,” ani Macadindang.
Ipinahayag ni Macadindang na mayroong 792 magsasakang benepisyaryo ang na-validate at na-screen na maaaring mapagkalooban ng certificates of land ownership award (CLOA) na may sakop na halos 1,357 ektarya sa ilalim ng EO 75.
Ayon kay Macadindang naglalaan ang DAR ng PHP 6-milyong badyet para sa aktibidad na ito kung saan ang DAR ay magsasagawa rin ng pisikal na inspeksyon na gawaing pagsusurvey at mangunguna sa mga pagpupulong sa pagtatasa at pagsusuri.
Ang DENR region 12, na siyang dalubhasa, may kagamitan, at teknolohiya, ay magbibigay ng teknikal na suporta na kinakailangan upang maisagawa ang mga survey ng lupa tulad ng perimeter, segregation, at delineation, kabilang ang iba pang paghahanda sa plano ng survey. Santi Celario
Marawi City nagsagawa ng survey activity bilang paghahanda sa CARP
Source: Filipino Pinoys
Marawi City nagsagawa ng survey activity bilang paghahanda sa CARP
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento