FDA nilinaw na maraming rehistradong heringgilya sa Pinas
FDA nilinaw na maraming rehistradong heringgilya sa Pinas

MANILA, Philippines- Nilinaw ng isang opisyal ng Food and Drug Administration (FDA) nitong Lunes na maraming heringgilyang rehistrado sa Pilipinas na maaaring gamitin sa pagbabakuna kontra coronavirus disease (COVID-19).
“Kaya naman po. Meron po tayong tatlo (manufacturer) at marami na po tayo naka-rehistrong mga syringes kasi matagal na po nating nirerehistro ang mga syringes,” pahayag ni FDA Center for Device Regulation, Radiation, Health, at Research director Maria Cecilia Matienzo.
“Marami ho din naman tayong nakarehistrong mga imported na mga heringgilya ho,” dagdag pa niya.
Kasunod ito ng pahayag ni Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero na naantala ang kanilang pagbabakuna sa lalawigan dahil hindi sila nabigyan ng pang-ineksyon.
Iginiit naman ni Matienzo, hindi na sakop ng FDA ang pagbibili o distribusyon ng mga heringgilya sa iba’t ibang lugar sa bansa.
“Sa ganang FDA po, kami ay nagbibigay lamang ng mga product registration. Ang pag-procure po ng mga syringes ay nasa Department of Health po,” mpaliwanag niya.
Dagdag pa niya, maaaring problema sa procurement process dahil sa umano’y kakulangan ng mga pang-ineksyon sa ibang lugar.
Nilinaw na ng DOH na nabigyan na ng pondo ang iba’t ibang lokal na pamahalaan para bumili ng heringgilya.
Dagdag pa nito, maaaring makipag-ugnayan ang mga lokal na pamahalaan sa mga regional offices ng DOH sakaling magkaproblema pa ang mga ito sa pagbili ng mga heringgilya. RNT/SA
FDA nilinaw na maraming rehistradong heringgilya sa Pinas
Source: Filipino Pinoys
FDA nilinaw na maraming rehistradong heringgilya sa Pinas
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento