aalisin na simula Nob.16
RT-PCR testing sa Davao City, aalisin na simula Nob.16

MANILA, Philippines- Aalisin na ng Davao City ang mandatoryong RT-PCR testing requirement sa mga dumarating na air passengers simula Nobyembre 16, sa gitna ng pagbaba ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Davao region.
Sa kanyang lingguhang panayam sa radyo, sinabi ni Mayor Sara Duterte-Carpio na agad na pumayag si Councilor Mabel Acosta, may-akda ng mandatory testing ordinance sa lungsod, na pansamantalang itigil ang “testing before travel” policy.
“Nag-discuss na mi kaganina sa nagsulat sa ordinansa and nag-ingon ko sa iyaha kung pwede put on hold the implementation of the ordinance in lieu of the Alert Level 2 status nato,” pahayag ng local executive.
Ipinatupad ng city council nitong Marso ang City Ordinance No. 0477-21, Series of 2021, na nagmamandato ng testing sa mga pumapasok sa Davao City mula sa Davao International Airport.
Kasalukuyang nasa Alert Level 2 ang buong Davo region hanggang sa katapusan ng buwan. RNT/SA
RT-PCR testing sa Davao City, aalisin na simula Nob.16
Source: Filipino Pinoys
aalisin na simula Nob.16
Philippines news
Pinoy Trending
politics
RT-PCR testing sa Davao City
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento