1,926 pang bagong kaso ng COVID naitala; 309 patay, 3,140 nakarekober

Ang Department of Health ngayong Nobyembre ay nakapagtala ngayon ng 309 na pumanaw sa COVID-19.

Nasa  1,926 naman ang  karagdagang mga nagpopositibo sa virus.

Ang recoveries ay na dagdagan din ng 3,140.

Sa kabuuang 2,816,980 na bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, ang

1.0% (28,102) ang aktibong kaso, 97.4% (2,743,297) na ang gumaling, at 1.62% (45,581) ang namatay.

Sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 12, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.6% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Nasa 25 duplicates naman ang inals mula sa total case count. Sa bilang na ito 24 ang recoveries

Mayroon ding 245 kaso na na-tag bilang recoveries ang na reclassified bilang pumanaw matapos ang final validation. Jocelyn Tabangcura-Domenden



1,926 pang bagong kaso ng COVID naitala; 309 patay, 3,140 nakarekober
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento