107.46% target mabakunahan sa QC, naabot na

MANILA, Philippines- Nakapagbakuna na ang Quezon City (QC) government ng 3,757,803 vaccines o 107.46 porsyento ng target population nito, kung saan 1,800,000 ng mga residente at manggagawa nito ang fully vaccinated na laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Base sa pinakabago nitong COVID-19 advisory, fully vaccinated na ang 1,826,831 residente ng QC, kabilang na ang mga naturukan ng single-dose Janssen vaccine.
Umabot naman sa 1,937,189 ang nakatanggap ng first dose, habang nasa 85,440 mga menor mula 12 hanggang 17 taong gulang ang nabakunahan sa ilalim ng pediatric inoculation program ng gobyerno.
Nitong Sabado, nasa 1,234 aktibong kasi ng virus ang naitala sa lugar, at sa kabuuan ay umabot na sa 178,574 ang kumpirmadong kaso dito. RNT/SA
107.46% target mabakunahan sa QC, naabot na
Source: Filipino Pinoys
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento