Escudero may hirit sa mga kandidato ukol sa SALN

MANILA, Philippines- Iginiit ni Sorsogon Gov. Francis “Chiz” Escudero nitong Linggo na kailangang ipakita ng mga kandidato para sa 2022 national elections ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) upang tulungan ang mga botante na mamili ng susunod na public officials.

Dagdag pa ni Escudero, mas mapalalakas ng paglalabas ng isang kandidato ng kanyang SALN ang kanyang kredibilidad at integridad.

“Kung alam ng mga botante ang SALN ng mga tumatakbo, maari itong makatulong sa ating mga kababayan sa kanilang pagpili ng mga kandidato para sa darating na halalan,” giit niya.

“Wala akong nakikitang dahilan para ito ipagdamot sa mga botante kung nais ng kandidato na tunay na maglingkod sa publiko,” dagdag pa ni Escudero.

Kamakailan ay naghain si Escudero ng panukala sa upper chamber, na naglalayon na i-require ang mga public officials at empleyado na magsumite ng bank waiver to sa Office of the Ombudsman kasabay ang paghahain nila ng kanilang SALNs. RNT/SA



Escudero may hirit sa mga kandidato ukol sa SALN
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento