Philippines news
TULAY NG MAGABI AT AKSIDENTENG NAKARAAN (2)

ISA namang kaibigan ko ang nakapanayam ko na tawagin na lang nating si Dave Olevon, 37, ng Brgy. Daine 2 sa Indang, Cavite na nagbahagi rin ng kwentong katatakutan patungkol sa tulay ng Magabi.
Sa kanyang salaysay, nangyari ang kakaibang karanasan noong ginagawa ang tulay ng Magabi para maging konkreto na ito.
Ang kapatid niya ang isa sa mga nagtrabaho noon sa ginawang konkretong tulay ng Magabi, stay-in sa lugar ang kapatid niya at mga katrabaho nito.
Mula sa kanilang ginawang tigilan at tulugan hindi kalayuan sa tulay, pagsapit ng gabi ay nakaririnig sila ng boses ng matandang lalaki at bata na nag-uusap sa ilalim ng tulay.
Minsang lumabas daw ang isa sa matapang na katrabaho ng kapatid niya para tingnan ang nadirinig na boses subali’t pagbalik sa kanilang ginawang tuluyan at tulugan ay nagpantal-pantal na ang buong katawan at mukha at inapoy na ng lagnat ang katrabaho ng kanyang kapatid.
Matapos ang pangyayaring iyon ay mas naniwala na ang kanyang kapatid at mga katrabaho nito na may ibang nakatira o nakabantay sa tulay ng Magabi.
Idinagdag pa ni Dave na isang katropa niya na sumundo sa bayan sa asawa na pauwi ng Daine galing sa trabaho at pagdaan nila sa tulay na iyon, nakarinig sila ng boses na bumulong kaya nagmabilis sila para makalayo agad ng tulay.
Noong araw ay may pampasaherong sasakyan galing ng Daine ang paluwas subalit nang makalampas ng tulay para bumwel paahon papuntang Tambo Munti Kulit, namatay ang makina at umatras ang sasakyan, nahulog ito sa tulay at bumagsak sa ilog.
Sugatan ang mga pasahero at dalawa sa pasahero ang binawian ng buhay.
Nabatid na bago ito, napatingin ang driver sa salamin sa kanyang harapan, nakita niyang nakasakay rin kasama ng mga pasahero sa likod ang isang nilalang na nakabalot ng itim na tela na sa pakiwari ay tila si kamatayan.
TULAY NG MAGABI AT AKSIDENTENG NAKARAAN (2)
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
TULAY NG MAGABI AT AKSIDENTENG NAKARAAN (2)
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento