GINAGAWANG GATASAN
TUPAD NG DOLE, GINAGAWANG GATASAN

HINDI na bago sa pandinig ng marami ang paniniwala na double standard ang sistema ng hustisya sa ating bansa dahil marami ng insidente at patunay na dehado talaga ang mga maralita at walang impluwensiya sa oras na mapagbintangang gumawa ng labag sa batas.
Noon pa man ay binabatikos na ng mga human rights lawyer at iba’t ibang organisasyon na nagmamalasakit sa kapakanan ng mga api at mga mahirap na nasasampahan ng kaso o napagbibintangan ang hindi makatarungang pamantayan ng sistema ng hustisya.
Subalit tulad ng inaasahan, mariin lamang itong itinatanggi, hindi lamang ng tatlong sangay ng pamahalaan kundi ng mga ahensiyang nagpapatupad ng batas.
Pero isang libo o milyong ulit mang itanggi ito ng mga nasa kapangyarihan, sa kaibuturan ng kanilang puso at isipan ay batid nila na kasinungalingan lamang ang mamumutawi sa kanilang bibig dahil tunay namang umiiral ang dobleng pamantayan sa sistema ng hustisya sa bansa.
Hindi na natin babanggitin ang mga nakaraang pangyayari tulad ng pagkakaloob ng kaluwagan sa ilang mga nakapiit na sangkot sa Maguindanao massacre kung saan mayroon pa ngang pinayagang makalabas ng kulungan para lamang dumalo sa kasal ng anak.
Marami pang insidente ng double standard na napalathala sa mga pahayagan at naibalita sa telebisyon dahil wika nga sa English, ang mga ito ay “water under the bridge” na.
Dito na lang tayo tumuon sa napaulat nito lamang nagdaang ilang araw na may mga tao na raw sasampahan ng kaso ang National Bureau of Investigation na sangkot sa iregularidad o anomalya sa pamamahagi ng TUPAD program ng Department of Labor and Employment sa Quezon City.
Ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ay isang programa ng DOLE na inilaan sa mga taong mula sa marginalized at vulnerable sectors na naapektuhan ng pandemya.
Subalit ang binigyan ng kapangyarihang mangasiwa ay ang mga kongresista para matiyak na mapupunta ang tulong sa kanilang mga sariling constituent. (ITUTULOY)
TUPAD NG DOLE, GINAGAWANG GATASAN
Source: Filipino Pinoys
GINAGAWANG GATASAN
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
TUPAD NG DOLE
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento