TNT Tropang Giga lalong magpapalakas

MANILA, Philippines – Hindi  dapat mapagod sa kanilang ginawang paghahanda ang team na hinirang na kampeon sa 2021 PBA Philippine Cup, ang TNT Tropang Giga lalo na at kailangang ilabas ng kanilang Fil-Am rookie ang naitatagong galing sa paglalaro laban sa mga beteranong manlalaro ng Magnolia Hotshots.

Diyan naman hinangaan ang mga rookie players ng Giga kasabay ng paglalatag ng mas epektibong sistema, kultura at strategy ni 9-time champion at 5-time coach of the year awardee na si coach Chot Reyes na angkop para makalikha ng isang winning formula bago pa man paghandaan ang 46th season ng bubble league sa Bacolor, Pampanga.

Tuluyan nang tinapos ng TNT ang 6 na taong pagkagutom sa korona sapul noong 2015 Commissioner’s Cup.  “We really believe as a team, everybody, that we worked and prepared the hardest. Kami ang may pinakamaraming bubble training camp na twice a day. It really put in the works so, that’s the winning formula, but it’s not a secret because I believe that if you put in the work, if you put in the most effort out of the rest then you put yourself the position to win,” ayon kay TNT assistant coach Josh Reyes noong Huwebes sa weekly TOPS Usapang Sports on Air kasama sina defensive specialist Brian Heruela at Glenn Khobuntin. “We [also] got the right mixture of players. And with this two, we got this so-called “dogs” yung talagang lalaban at dedepensa. Because of the defensive capability prowess of Brian and versatility of Glenn on defense, we were able to do a lot of schemes defensively against different teams,” dagdag ni Reyes na tinapos ang Hotshots sa bisa ng 4-1 kartada.

Napabilib ang buong coaching staff ng TNT sa ipinakitang laro ng grupo na ang unang trabaho ay pag-aralan at pigilan ang estilo at laro ng mga katunggaling koponan, at gamitin  sa training practices laban sa  main starters/scorers’ ng kanilang tropa.

Bukod kina Heruela at Khobuntin, parte rin ng Kurimaw sina Dave Marcelo, Jay-Jay Alejandro, Ping Exciminiano at Gryann Mendoza, na pawang free agents na nakuha lang nila ng walang kapalit o trades, na naging biruang napulot lang nila at pinapirma bago magsimula ang kampanya.JC



TNT Tropang Giga lalong magpapalakas
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento