Int’l tourism sa Pinas unti-unting luluwagan

MANILA, Philippines- Unti-unting luluwagan sa tamang panahon ang international tourism sa Pilipinas, ayon sa Malakanyang nitong Biyernes, kasunod ng pagluluwag ng bansa sa capital region upang manumbalik ang sigla ng mga negosyo. 

Ayon kay Palace spokesman Harry Roque, “very encouraging” ang pagbaba sa Alert Level 2 ng Metro Manila, nang tanungin ukol sa timeline ng pagpasok ng  tourist visa holders sa bansa.

“We will open tourism in due time… Titingnan din po natin iyong mga karanasan ng ibang bansa na nagbukas na po para sa international tourism,” pahayag niya sa press briefing.

Pinag-aaralan din ng gobyerno ang mga panawagan na palawigin ang “green list” nito ng mga teritoryo kung saan hindi na kinakailangan ng mga biyahero na sumailalim sa facility-based quarantine pagdating sa Pilipinas kapag nakapagpakita na ng negatibong coronavirus test result.

“Pero titingnan po natin ang siyensiya. Titingnan po natin ang datos, at pinag-aaralan po iyan; hindi po iyan isinantabi,” giit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Palace briefing. RNT/SA



Int’l tourism sa Pinas unti-unting luluwagan
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento