lumabas sa publiko
Taliban supreme leader, lumabas sa publiko

Inanunsyo ng mga opisyal ng Taliban nitong Linggo na nagpakita sa publiko ang supreme leader nito na si Haibatullah Akhundzada sa lungsod ng Kandahar, taliwas sa mga kumakalat na balitang patay na ang pinuno.
Ngayon lamang muli lumabas sa publiko si Akhundzada, kilalang pinuno ng Amir ul Momineen, simula nang palitan nila ang pamahalaan ng Afghanistan nitong Agosto.
Sinabi ng isang senior Taliban leader na kasama ni Akhundzada na bumisita ang pinuno sa Jamia Darul Aloom Hakimia, isang relihiyosong paaralan sa Kandanar, nitong Sabado.
Mahigpit ang seguridad sa lugar kaya naman walang naglabasang mga litrato, ngunit nagbahagi naman ang Taliban ng 10 minutong audio recording sa social media accounts nito.
Si Akhundzada ang itinalagang lider ng grupo magmula nang inanunsyo ng Islamist movement ang interim government nito, matapos umurong ang pwersa ng Estados Unidos nitong Setyembre.
Base sa ilang opisyal, ito ang unang opisyal na paglabas ni Akhundzada sa publiko kasunod ng mga kumakalat na balitang patay na siya. RNT/SA
Taliban supreme leader, lumabas sa publiko
Source: Filipino Pinoys
lumabas sa publiko
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
Taliban supreme leader
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento