Utang ng PhilHealth sa pribadong ospital, nasa P20B na- PHAPi

MANILA, Philippines- Sinabi ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc (PHAPi) nitong Lunes na umaabot sa P20 bilyong halaga ng claims ang hindi pa nababayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) magmula nitong Agosto.

“Actually noon pang August no…they owe us more or less around P20 billion and this is all over the country,” pahayag ni PHAPi president Jose Rene de Grano sa panayam sa CNN.

“And continuous naman ang paggamit kahit na let’s say that they are saying that they paid already P10 billion, nasaan na ang mga payments na ito?” dagdag pa niya.

Iginiit ni De Grano na ilang ospital ang nagsusumbong na hindi pa nila natatanggap ang bayad mula sa PhilHealth.

“Of course, the problem is the reconciliation thing, no? Minsan sasabihin ng PhilHealth bayad na kami and the hospital bill will be saying, no wala kami natatanggap,” ani De Grano.

Ayon kay De Grano, bagamat binabayaran naman ng PhilHealth ang mga bagong claims ng mga pribadong ospital, nananatiling hindi bayad ang mga claims para sa coronavirus disease (COVID-19) cases nitong 2020.

Dagdag pa ng PHAPi president, ilang ospital ang napilitang mag-‘downsize’ para maipagpatuloy ang operasyon.

“Ang ginagawa na lang po ng mga different hospitals ay nag da-downsize sila, nagkakaroon sila ng reduction of working hours ng ating mga empleyado just so maituloy lang po namin ang takbo ng mga operations,” paliwanag ni De Grano.

Ilang buwan nang kumokonsulta ang ilang ospital sa kanilang mga miyembro kung puputulin na ang ugnayan nila sa PhilHealth.

Sinabi naman ni De Grano na iaanunsyo ng ilang ospital ang kanilang plano para sa 2022 sa kalagitnaan ng Nobyembre, ilang linggo matapos ang deadline na ibinigay sa ahensya.

“The deadline for PhilHealth to make some good solutions to what we are asking is [the] end of October,” giit ni De Grano.

“By this week, next week, or another two weeks, some hospitals will be announcing already on what they plan to do in 2022 on whether not to renew or stop accreditation with PhilHealth,” dagdag pa niya. RNT/SA



Utang ng PhilHealth sa pribadong ospital, nasa P20B na- PHAPi
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento