Pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho pansamantala lang – DOLE
Pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho pansamantala lang – DOLE

Manila – Itinuturing ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang pagbaba ng bilang ng may trabaho patungo sa muling pagbangon ng labor market ay pansamantala lamang.
Batay kasi sa pinakahuling resulta ng Setyembre 2021 Labor Force Survey, bumaba ang antas sa empleyo ng bansa ng 642,000, mula 44.234 milyon noong Agosto 2021 hanggang 43.592 milyon noong Setyembre 2021.
Nakitaan ng parehong resulta sa antas ng empleyo na may 0.8 percentage point na pagbaba – mula 91.9 % (Agosto 2021) hanggang 91.1% (Setyembre 2021).
Tumaas naman ang unemployment rate ng 8.9% mula 8.1% nitong nakaraang buwan.
Ang underemployment ay patuloy namang bumababa mula 14.7% noong Agosto 2021 ng 14.2% noong Setyembre 2021, indikasyon na bumubuti ang kalidad ng trabaho.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maaring maiugnay sa mahigpit na pagpapatupad nv quarantine noong Setyembre ang pagbaba sa bilang ng trabaho na pinalala pa ng kabawasan ng trabaho sa sektor ng agrikultura dahil sa masamang panahon, at ang pagsisimula ng pasukan sa paaralan, kung saan ang lahat ng ito ay nakaapekto sa trabaho.
Umaasa naman ang kalihim na magiging maganda na ang lagay ng labor market sa patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, pagtaas ng bilang ng nabakunahan, at ang ligtas na muling pagbubukas ng negosyo na inaasahang makapagbibigay ng trabaho sa mas maraming manggagawa, dahil sa pangangailangan sa darating na Pasko.
Patuloy aniyang nakikiisa ang Department of Labor and Employment sa iba pang ahensiya ng pamahalaan sa pagsuporta sa mga negosyo sa pamamagitan ng mga insentibo, pangangasiwa sa empleyo ng mga naghahanap ng trabaho, at pagsuporta sa ating mga manggagawa sa pamamagitan ng upskilling at retooling.
Muli namang nananawagan ang kalihim sa lahat ng mga manggagawa at negosyo na magpabakuna at ipagpatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health standard (MPHS) at mga patakaran sa kaligtasan at kalusugan sa paggawa.
Paalala pa ng DOLE, patuloy na maging mapagbantay at sumunod sa itinakdang MPHS tulad ng wastong pagsusuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng kamay, at social distancing. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)
Pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho pansamantala lang – DOLE
Source: Filipino Pinoys
Pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho pansamantala lang – DOLE
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento