Espejo, FC Tokyo tinapos ang kamalasan sa V League

MANILA , Philippines  – Sa wakas, tinapos na rin ni Marck Espejo at FC Tokyo ang kanilang sunud-sunod na pagkatalo matapos na talunin ang kapwa Pinoy spiker na si Bryan Bagunas ng Oita Miyoshi sa straight sets, 25-17, 25-18, 25-22 sa idinaraos na 2021 Japan V. League noong Biyernes ng hapon sa Showa Denko Martial Arts Center.

Unang panalo ito para sa team ni Espejo para pumatas na sa 1-6 win-loss card ng Oita Miyoshi.

Nakagawa si Espejo, na unang naging import sa Oita noong 2018 ng 11 puntos, 7 attacks, 3 blocks at service ace at hindi nasayang ang kanyang sipag ngayon.

Nahirapan naman si Bagunas nang malimitahan lang siya sa 2 puntos na pinakamababa niyang iskor.

Sa pinakahuling pagkatalo, dumiretso ang Oita sa 6 na sunod na kabiguan at iisa pa lang din ang panalo laban sa Sakai Blazers sa opening day noong Okt. 16. JC



Espejo, FC Tokyo tinapos ang kamalasan sa V League
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento