Batas para sa mandatory vaccination pinag-aaralan na ng DOH

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na pinag-aaralan na ang mandatory vaccination sa mga indibidwal na ayaw pang magpabakuna dahil sa hesitancy.

Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na bagamat marami nang ginawang paraan at pagbibigay ng mga incentives upang makahikayat pa ng mas maraming magpapabakuna pero marami pa rin aniyang  tumatanggi at ayaw magpabakuna laban sa COVID-19.

Dito aniya pumasok ang pag-uusap tungkol sa mandatory vaccination upang makamit ang proteksyon ng populasyon ng kailangan sa bansa.

Dagdag pa ni Vergeire, upang maabot ang  herd immunity at population proteksyon ay dapat mas marami pa ang mahikayat na magpabakuna.

“Not to impose on certain sectors but to impose on a specific sector which are vulnerable na nagpe-face tlaga ng mga tao kapag nagtatrabaho sila,” pahayag pa ni Vergeire.

Lahat aniya ng ito ay pinag-uusapan na ng DOH kasama  ng IATF at pinag-aaralan ang batas na kailangan  para sa mandatory vaccination. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)



Batas para sa mandatory vaccination pinag-aaralan na ng DOH
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento