‘No bakuna
‘No bakuna, no ayuda’ sa ‘di bakunadong 4Ps beneficiaries, inalmahan

MANILA, Philippines- Binabalak ng gobyerno na ipatupad ang polisiyang “no bakuna, no ayuda” sa mga ‘di bakunadong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sanhi ng marami pa ring ayaw magpabakuna sa ibang rehiyon.
Iginiit ni Department of the Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing III na hindi nagkulang ang gobyerno sa pagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagbabakuna.
“Napag-usapan na dun sa 4Ps pinag-uusapan natin mga 6 -7 milyong kababayan natin. Kung hindi sila magpapabakuna hindi natin ire-release sa kanila ‘yung kanilang ayuda under the 4Ps. Maghihigpit na tayo,” pahayag ni Densing.
“Ang isang tinitingnan natin ay baka pwedeng amiyendahan ‘yung batas ‘yung RA 11525, ‘yun yung batas sa vaccination program natin na palitan ang isang provision dun na hindi na voluntary ang pagbabakuna kundi mandatory na po.”
“Its a disincentive. I think it can be justified and remember we are still under a national health emergency. In a public health emergency we have to make sure that everybody contributes to the containment of the spread of the virus. And a person who is non-vaccinated may be a potential spreader of COVID,” dagdag pa niya.
Tinitingnan din ng DILG na panagutin ang mga lokal na opisyal sa mga rehiyon na mabagal ang vaccination rollout.
Kinontra naman ito ni Navotas City Mayor Toby Tiangco.
Aniya, matinding kumbinsihan ang dapat gawin at hayaan dapat ang mga taong mamili kung kailan sila magpapabakuna.
Sinigurado naman ni Densing na walang paglabag sa Saligang Batas ang mandatoryong pagbabakuna. RNT/SA
‘No bakuna, no ayuda’ sa ‘di bakunadong 4Ps beneficiaries, inalmahan
Source: Filipino Pinoys
‘No bakuna
inalmahan
no ayuda’ sa ‘di bakunadong 4Ps beneficiaries
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento