Bebot tiklo sa higit P16M na ecstacy sa QC

MANILA, Philippines- Nadakip nang pinagsanib na pwersa ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Sttaion 11 at Bureau of Customs (BOC), Port of Clark, ang isang babae matapos ma mahulihan ng ecstacy na nagkakahalaga ng P 16,911,600 kaninang hapon (November 5) sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang suspek na si Elisha Ilas Mae, residente ng  No. 39 BMA corner Kaliraya, Brgy. Tatalon, Q.C.

Base sa ulat, dakong 3:45 ng hapon  nang makorner sa isinagawang ‘controlled delivery operation’ ng mga awtoridad ang suspek sa Brgy. Tatalon, QC, at nakumpiskahan ng  9,948 piraso ng ecstacy.

Ayon sa mga operating units mula sa  PDEA RO 3 Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group, PDEA-SIU SBMA, PDEA-SIU BATAAN, PDEA-NCR, QCPD Station 11 at BOC, ang nasabing dami ng ecstacy na may street value na  P 16,911,600 ay nadiskubre sa idineliber na package tahanan nu Mae.

Una dito, nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad na may idedeliber na package sa suspek na naglalaman  ng iligal na droga sanhi upang ikasa ang operasyon.

Iniimbestigahan pa kung saan at sino ang nagpadala ng nasabing package na naglalaman ng ecstacy subalit nananatiling tikom pa ang bibig ng suspek. Jan Sinocruz



Bebot tiklo sa higit P16M na ecstacy sa QC
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento