Bawas-presyo sa produktong petrolyo
Bawas-presyo sa produktong petrolyo, inaasahan sa isang linggo

MANILA, Philippines- Inaasahan ang pagbaba ng presyo ng ilang produktong petrolyo sa isang linggo, kasunod ng sunod-sunod na dagdag-presyo nitong mga nakaraang linggo.
Ayon sa fuel price forecast mula Nobyembre 9 hanggang 15 ng Unioil Petroleum Philippines, inaasahang aabot sa P0.40 hanggang P0.50 kada litro ang ibaba ng presyo ng diesel.
Dagdag pa nito, maaari ring mabawasan ng P0.90 kada litro ang presyo ng gasolina.
Kadalasang inaanunsyo ng mga oil firms ang pagbabago sa presyo tuwing Lunes, upang maipatupad kinabukasan.
Ayon sa datos mula sa Department of Energy noong Nobyembre 2, umabot sa P1.10 hanggang P1.15 kada litro ang itinaas ng presyo ng gasolina habang nasa P0.35 hanggang P0.40 naman ang itinaas kada litro sa diesel.
Simula umpisa ng taon, nakapagtala ng pagtaas sa P21.95 kada litro ng gasolina at P18.10 naman kada litro ng diesel. RNT/SA
Bawas-presyo sa produktong petrolyo, inaasahan sa isang linggo
Source: Filipino Pinoys
Bawas-presyo sa produktong petrolyo
inaasahan sa isang linggo
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento