2,605 pang bagong kaso ng COVID naitala; 191 patay, 3,901 nakarekober

Nanatili sa mahigit dalawang libo ang bagong kaso ng COVID-19 ngayong Linggo.

Sa case bulletin ng Department of Health (DOH) ang naitalang kaso ngayon ay 2,605 na mas mababa lang ng kaunti sa naitala kahapon na 2,656.

Sa kasaukuyan, pumalo na sa 2,803, 213 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kabuuang 2,725,527 naman ang recoveries kung saan nadagdagan ito ngayon ng 3,901.

Mayroon namang 191 na bagong namatay na umabot na rin sa kabuuang 44,430.

Habang ang aktibong kaso ay patuloy na ring bumababa dahil mayroon na lamang itong 33,426 na kaso.

Sa ngayon, dalawa  lamang sa lahat ng COVID-19 operational laboratories ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa CDRS.  Jocelyn Tabangcura-Domenden



2,605 pang bagong kaso ng COVID naitala; 191 patay, 3,901 nakarekober
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento