Menor-de-edad
Menor-de-edad, senior citizen papayagan na sa PUVs sa NCR- MMDA

MANILA, Philippines- Papayagan na ang mga senior citizen at mga bata na 18-anyos pababa na sumakay sa mga pampublikong sasakyan kagaya ng dyip at tren, sa ilalim ng mas pinaluwag na coronavirus disease (COVID-19) alert level sa Metro Manila.
Nilinaw ito ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chair Benhur Abalos sa isang panayam sa Super Radyo dzBB, at binigyang-diin ang pagtataas sa 70 porsyento ng passenger capacity sa public utility vehicles (PUVs).
“Puwede na pong lumabas ang mga bata at matatanda, ito’y ayon sa IATF. Sa pagsakay ng mga pampublikong sasakyan ay puwede rin po silang sumakay,” pahayag ni Abalos.
Ito ay kasunod ng pahayag ni Department of Transportation Assistant Secretary at Inter-Agency Council on Traffic chief Manuel Gonzales na ipinagbabawal pa rin ang pagsakay ng mga menor sa PUVs kahit pa may kasamang nakatatanda sanhi ng kakulangan sa alituntunin na nagsasabing pinapayagan na ito.
Inilagay ang National Capital Region sa Alert Level 2 nitong Nobyembre 5. Sa ilalim ng mas pinaluwag na alert level, maaari nang lumabas ang mga bata upang mamasyal sa mga establisimyento kagaya ng malls at mga simbahan basta’t kasama ang kanilang fully vaccinated na magulang o guardian. RNT/SA
Menor-de-edad, senior citizen papayagan na sa PUVs sa NCR- MMDA
Source: Filipino Pinoys
Menor-de-edad
Philippines news
Pinoy Trending
politics
senior citizen papayagan na sa PUVs sa NCR- MMDA
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento