2,656 pang bagong kaso ng COVID naitala; 154 patay, 5,130 gumaling

Manila – Muling tumataas ang bilang ng bagong kaso ng coronavirus disease sa bansa makaraan ang pagpapagaan ng Alert Level.

Mula sa 2,376 na bagong kaso kahapon, tumaas ito ngayong araw sa  2,656.

Nitong nagdaang tatlong araw ay nakapagtala na lamang ng mahigit sa isang libong kaso ng COVID-19.

Sa kabila nito, tumaas din ang bagong naitalang recoveries na umabot sa 5,130 at 153 ang pumanaw.

Sa kabuuang 2,800,621  na kaso ng COVID-19, ang 2,721,516 nito ay mga gumaling na habang 44,239 naman ang kabuuang namatay sa naturang sakit.

Nanatili naman sa 34,866 ang aktibong kaso kung saan pinakamaraming porsyento pa rin ang asymptomatic at moderate case.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)



2,656 pang bagong kaso ng COVID naitala; 154 patay, 5,130 gumaling
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento