2 tiklo sa P190K shabu sa Malabon
2 tiklo sa P190K shabu sa Malabon

Manila – Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Loloy Reyes, 29, (Pusher/Watchlisted) ng Dr.lascano, Brgy. Tugatog, at Ashlee Barillio alyas “Mau”, 18 ng Brgy. 142 Bagong Barrio, Caloocan city.
Sa imbestigasyon ni PMSg Randy Billedo, dakong alas-4:15 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Dr. Lascano St., Brgy. Tugatog kung saan isang undercover police ang nagawang makaiskor sa mga suspek ng P10,000 halaga ng droga.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 28 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P190,400.00 at buy bust money na isang tunay na P1,000 at 9 pirasong P1,000 boodle money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Boysan Buenaventura)
2 tiklo sa P190K shabu sa Malabon
Source: Filipino Pinoys
2 tiklo sa P190K shabu sa Malabon
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento