Mga umano’y dating rebelde sa Bukidnon binakunahan vs COVID

MANILA, Philippines- Binakunahan laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang aabot sa 19 na dati umanong miyembro ng mga rebeldeng grupo sa Impasugong, Bukidnon, ayon sa militar nitong Linggo.
Base sa 8th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army, nabigyan ng unang dose ng Sinovac vaccine ang 17 dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) habang 2 naman ang nakakumpleto ng kanilang mga bakuna, sa pakikipagtulungan ng militar sa municipal health officer ng Impasugong.
Sinabi ng 8IB sa isang pahayag na nagpapasalamat si alyas “Ambo,” isa sa mga dati umanong rebelde, sa bakunang ibinigay sa kanila.
“This is a proof that our government is serious in its vow to help those who will return to the folds of the law. I also believe that we should not be afraid of the vaccines because the government will not give it to us if it will harm us,” ani “Ambo,” na isa rin umanong COVID-19 survivor, sa lokal na wika.
Iginiit naman ni Lt. Col. Edgardo Talaroc Jr., commander ng 8th IB na paraan umano ito upang makabalik sila nang may proteksiyon laban sa COVID-19 sa kanilang mga komunidad at pamilya. RNT/SA
Mga umano’y dating rebelde sa Bukidnon binakunahan vs COVID
Source: Filipino Pinoys
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento