Philippines news
Unang kaso ng B.1.1.318 variant ng COVID naitala sa bansa

MANILA, Philippines – Iniulat ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong Lunes, Oktubre 25 na nakapagtala ang bansa ng kauna-unahang kaso ng B.1.1.318 variant ng COVID-19.
Ito ay nakita mula sa isang 34 anyos na lalaki na dumating sa bansa noong Marso 5.
Marso 10 naman ng makolekta ang sample nito mula sa Philippine Red Cross at nakarekober sa sakit noong Marso 21.
May travel history mula sa United Arab Emirates ang lalaking taga-Bacolod City.
Ayon kay Vergeire, ang variant na ito ng COVID ay under monitoring batay sa klasipikasyon ng World Health Organization.
“This was initially identified or detected in Mauritius. Mayroon silang naging cluster of 120 cases do’n at nung kanilang nag-sequence ay ito po ang lumabas. Itong variant under monitoring na ito,” paliwanag ni Vergeire kung saan idinagdag rin niya na mayroon itong 14 mutations kabilang ang nakita sa Delta at Beta variants.
Sa kabila nito, nagpaalala naman si Vergeire na walang dahilan para mag-panic ang publiko.
“Let me just reiterate, it’s a variant under monitoring. Lahat po pinag-aaralan sa ngayon. Wala po tayong cause to panic. Kailangan lang po maging vigilant pa rin tayo lahat and follow our minimum public health standards.” RNT
Unang kaso ng B.1.1.318 variant ng COVID naitala sa bansa
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
Unang kaso ng B.1.1.318 variant ng COVID naitala sa bansa
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento