Kahera nanlimas ng pera, kulong

CAGAYAN – Kulong ang sinapit ng isang dating kahera ng isang hardware at palay buying station dahil sa kasong “qualified theft” sa Brgy. Sta. Cruz, Ballesteros, Cagayan.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Marlou del Castillo, hepe ng Ballesteros Police Station ang suspek ay nakilalang si Marilyn Cortes, 28 anyos, dalaga, at residente ng nabanggit na lugar ay may mandamiento de arresto dahil sa salang pagnanakaw o qualified theft.

Siya ay inakusahan ng kanyang amo na si aka Brent matapos maaktuhan sa kanyang mudos operandi na pagnanakaw.

Napag-alaman na umabot umano sa walumpong libong piso ang nakulimbat na pera ng suspek sa loob ng isang taon.

Dinakip ang suspek ng mga pinagsamang tauhan ng Ballesteros PS sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj.Castillo at 203rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 2 sa ilalim naman ng pangangasiwa ni PCapt. Louie Jay Felipe.

Posibleng makalaya lamang ang suspek kung makapaglagak ng halagang Php72,000.00.

Ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon. Rey Velasco



Kahera nanlimas ng pera, kulong
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento