Kaso ng Delta variant sa bansa nadagdagan pa

MANILA, Philippines – Binabatayan ngayon ng Department of Health ang isang kaso ng variant na natukoy sa huling batch ng ginawang restrospective sampling na nasequence ng Philippine Genome Center nitong Oktubre 24.

Ayon kay Health Usec Maria Rosario, mula sa 17,893 samples na nasequence ng PGC, nasa 15,882 ang may lineage.

Kasama rito ang 746 samples na nakolekta noong Marso, Abril at Setyembre.

Sa genome sequencing, 104 ang Alpha variant case, 166 and Beta at 380 ang Delta variant case.

Pero mayroong isang kaso na ‘variant under monitoring’ at ito ay ang B.1.1.318

Ayon kay Vergeire, 1,169 o 6.53 percent sa mga samples ay mga incoming international traveller.

Nasa 799 naman sa mga nagpositibo sa COVID-19 ay nakitaan ng variant of concern.

Lahat aniya ng rehiyon, NCR cities at munipalities ay mayroon ng naitalang kaso ng Alpha, Beta at Delta variant.

Dahil sa karagdagang mga variant case, ang Alpha variant ngayon ay nasa 3,042; Beta variant,3479 at 4,811 naman ang Delta variant case habang ang P.1 o Gamma variant ay may tatlo

Ang P.3 na natukoy sa isang rehiyon lamang ay mayroon na rin sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Samantala, ang local case ng Alpha, Beta at Delta variant ay karamihang mula sa incoming international travellers. Jocelyn Tabangcura-Domenden



Kaso ng Delta variant sa bansa nadagdagan pa
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento