Pagkapatay sa pinuno ng Dawlah Islamiya pinapurihan ni VP Leni

MANILA, Philippines- Pinuri ni Vice President Leni Robredo ang Philippine military matapos matagumpay na masupil ang pinuno ng terrorist group na Dawlah Islamiya Philippines sa isang operasyon sa Talayan, Maguindanao.

Sa isang press conference, inanunsyo ni Major General Juvymax Uy, commander ng Army’s 6th Infantry Division, na napatay si Salahuddin Hassan sa isang operasyon sa Barangay Damablac nitong Biyernes ng umaga.

“Dahil sa mahusay at determinadong pagkilos ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, nadala sa hustisya ang teroristang si Salahuddin Hassan, ang pinuno ng Daulah Islamiyah – Hassan Group,” pahayag ni Robredo.

“Nagpapasalamat tayo sa giting ng kasundaluhan, na sinigurong mananagot si Hassan na pasimuno ng mga pambobomba sa Maguindanao, North Cotabato, at Sultan Kudarat,” dagdag pa niya.

Ipinahayag din ng Bise Presidente ang kanyang suporta at pagpupugay sa propesyonalismo ng militar.

“Kaisa ako ng sambayanang Pilipino sa pagbibigay-pugay sa isang marangal at propesyonal na kasundaluhan,” ani Robredo.

Nakitil din sa nasabing engkwentro si Jehana Mimbida, asawa ni Hassan at itinuturong finance officer ng grupo.

Ayon sa militar,  ang grupo ni Hassan ang nasa likod ng pangingikil at pagbomba sa Central Mindanao na target ang mga negosyante at kumpanya,

Bukod pa rito, isa rin ang kanyang grupo sa mga terror groups na kabilang sa 2014 Maramag Bukidnon Rural Transit bus bombing na kumitil sa 11 katao at nag-iwan ng 15 sugatan; Davao Night Market bombing nitong 2016 na pumatay sa hindi bababa sa 14 na sibilyan; at Isulan twin bombing nitong 2018 na pumaslang sa 5 indibidwal at nag-iwan ng hindi bababa sa 40 na sugatan. RNT/SA



Pagkapatay sa pinuno ng Dawlah Islamiya pinapurihan ni VP Leni
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento