4,008 pang bagong kaso ng COVID naitala; 423 patay, 6,887 nakarekober

Sa nakalipas na linggo, pinakamataas na bilang na ng bagong namamatay ang naitala ngayong Sabado,Oct.30.

Batay kasi sa case bulletin update ng Department of Health, umabot sa 423 ang pumanaw.

Sa mga bagong kaso naman ay nasa 4,008 habang 6,887 ang gumagaling.

Ngayong araw, ang kabuuan na ng kaso ay umakyat na sa  2,783,896.

Sumampa naman sa 2,693,162 ang gumaling na at 43,044 ang kabuuang namamatay.

Mula sa kabuuang bilang ng kaso, mayroon pa ring aktibo na nasa 47,690 kung saan malaki na rin ang ibinaba dahil marami na ang gumagaling.

Apat naman na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) bagamat lahat ng laboratoryo ay  operational.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)



4,008 pang bagong kaso ng COVID naitala; 423 patay, 6,887 nakarekober
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento